Bilang isang empleyado na namalagi ng
ilang araw sa Candlelight Cafe at CDIC, nasaksihan ko kung paano nila minamahal
at pinapahalagahan ang kanilang mga propesyon sa buhay. Nais kong gawin isang
halimbawa sa inyo si Ate Myrna, isa siyang kusinera at kahera ng Candlelight
Cafe.
Nasaksihan
ko kung paano niya kamahal ang kanyang trabaho. Ibinahagi rin niya ang kanyang
mga kaalaman sa amin na siyang natutunan niya bago pa lamang siya mag-umpisa sa
Candlelight Cafe. Hindi siya nahihiyang ibahagi sa amin ang kanyang mga
kaalaman na siya namang naging gabay namin sa aming pagsasanay sa trabaho. Ang
lahat ng kaalaman na ibinahagi ni ate Myrna sa amin ay siya namang gagamitin ko
at maging gabay para ibahagi ko din sa iba kung ano ang mga natutunan ko sa
ilang araw kong pamamalagi sa Candlelight Cafe.
No comments:
Post a Comment