Blog Entry 5: What is the Most Difficult at Work
Para sa akin ang pinakamahirap sa
trabaho ay ang bigyang atensyon ang mga bagay-bagay gaya na lamang sa
Candlelight Cafe, kapag may naaatas na isang gawain na binibigay sa akin hindi
ko agad ito matapos ng maaga o di kaya ay sa saktong oras. Dahil malimit akong
nawawalan ng atensyon at naibabaling ko ang aking sarili sa iba pang mga bagay.
Kapag may gagawin ako saglit ko lamang ito ginagawa at kapag may mga ginagawa
na ang aking mga kasama mas inuuna kong tulungan at tapusin ang aking mga
kasama kesa sa aking trabahong dapat na tapusin.
Sa
CDIC ang pinakamahirap para sa akin ay una ang mga responsibilidad na dapat
gawin sa loob ng isang linggo kong pagsasanay. Sa CDIC na subok ang aking
kakayahan kung paano ituring ang mga bata sa CDIC na walang problema at
respetuhin na kapantay ko lang sila at ang responsibilidad na alagaan.
Alam
naman natin na ang mga batang may mga kapansanan o may pagkukulang ay hindi
dapat kaawaan bagkus atin silang gabayan at iparamdam sa kanila na huwag
panghinaan ng loob dahil hindi sila nag-iisa, dahil sa ating mundong
ginagalawan lahat tayo ay pantay-pantay sa mata ng panginoon.
No comments:
Post a Comment