Sunday, October 21, 2018

Blog Entry 1: (First Day at Work)


Image result for candlelight cafe


Ang aking unang karanasan sa Candlelight Cafe ay hindi naging biro dahil wala pa akong masyadong alam sa Candlelight Cafe. Habang kami ay nag-iintay ng aming mga gagawin sa loob ng maghapon nilibot muna namin ang buong Candlelight Cafe para ma-obserbahan kung ano ang mga pwedeng dapat gawin. Habang nililibot namin ang Candlelight Cafe, nakilala namin si Ate Myrna isa sa mga kusinera ng Candlelight Cafe. Binigyan niya kami ng aming unang gawain at ito ay ang “PLUSTER MOLDING”, habang gumagawa ako ng pluster molding hindi naging madali sa akin ang pag gagawa nito.Dahil kailangan mo dito ng mahabang pasensya sa pag-iintay. Nakilala ko din si Mrs. Marichu Carstensen. Ibinahagi niya sa amin ang kanyang mga kaalaman at karanasan bago niya ipatayo ang Candlelight Cafe. Inilibot kami ni Mrs. Marichu sa loob ng ART GYM na kung saan ibinahagi niya sa amin ang mga historya sa likod ng bawat larawan at sining na kanyang mga nagawa.

No comments:

Post a Comment