Sunday, October 21, 2018

Blog Entry 10: My Hope and My Future

Image result for hope and future

           Bilang isang kabataan na maraming pangarap sa buhay. Ang pangarap ang nagsilbing gabay ng aking mga pagsisikap. Ito nalang ang inspirasyon ko na magpatuloy kahit sa mga kabiguan. Ang pangarap ko sa buhay ay ang makatapos ng aking pag-aaral at makapag kolehiyo. Para sa akin kahit hindi ako masyadong magaling sa klase ngunit hindi ito hadlang para maabot ko ang aking mga pangarap sa buhay. Gagawin ko ang lahat para sa ikakatupad ng aking mga pangarap, salat man kami sa pera, pero magsusumikap ako para makamit ko ang mga bagay na gusto kong maabot at makamtan. Higit sa lahat kailangan kong maging matapang sa bawat pagsubok na aking tatahakin at makasagupa sa buhay. Pangarap ko kasing makapag-abroad at doon makipag sapalaran sa buhay. Gusto kong maiahon sa hirap ang aking pamilya lalo na ang aking mga magulang. Kahit sa ganitong paraan man lang ay maka bawi naman ako sa kanila. Sabi nila sa akin, hindi ko man lang daw isinaalang-alang ang aking kinabukasan para sa hinaharap. Kahit na ganon paman ang nangyari at pagtingin nila sa akin hindi parin ako nawalan ng pag-asa sa buhay, sabi ko sa sarili ko kailangan kong maging matapang at taos puso kong tanggapin lahat ng mga pagsubok na napagdaanan ko sa buhay. 








Blog Entry 9: Important Lesson Learn


       

            Una, masasabi ko sa inyo na marami akong natutuhan sa Candlelight Cafe, dito nasubok ang aking sipag at tiyaga. Sa paggagawa ng “pluster molding”, dito nasubok ang aking pasensya dahil hindi biro ang maghintay ng matagal para lamang tumigas ang isang pluster molding. Natutunan ko din kay Mrs. Marichu Carstensian at siyang tumatak sa isipan ko an mga katagang “Ang bawat seundo ay mahalaga”, ang katagang sinambit niya sa amin ay naging aral para sa akin.           
           
            Pangalawa, natutunan ko ang CDIC kung paano magpahalaga ng bata. Natutunan ko din sa CDIC na ang bawat bata na may mga kapansanan ay hindi dapat kaawaan bagkus gawin natin silang inspirasyon sa buhay.
 


Blog Entry 8: Featured Employee


       

            Bilang isang empleyado na namalagi ng ilang araw sa Candlelight Cafe at CDIC, nasaksihan ko kung paano nila minamahal at pinapahalagahan ang kanilang mga propesyon sa buhay. Nais kong gawin isang halimbawa sa inyo si Ate Myrna, isa siyang kusinera at kahera ng Candlelight Cafe.

                      
            Nasaksihan ko kung paano niya kamahal ang kanyang trabaho. Ibinahagi rin niya ang kanyang mga kaalaman sa amin na siyang natutunan niya bago pa lamang siya mag-umpisa sa Candlelight Cafe. Hindi siya nahihiyang ibahagi sa amin ang kanyang mga kaalaman na siya namang naging gabay namin sa aming pagsasanay sa trabaho. Ang lahat ng kaalaman na ibinahagi ni ate Myrna sa amin ay siya namang gagamitin ko at maging gabay para ibahagi ko din sa iba kung ano ang mga natutunan ko sa ilang araw kong pamamalagi sa Candlelight Cafe.

Blog Entry 7: If I were a Boss


Image result for boss


Kung ako ay papalarin na maging taga- pamahala ng isang kumpanya, tataasan ko ang sahod ng bawat trabahador ko. Dadagdagan ko rin ang kanilang mga “benefits” na makukuha. Ang dating nilang pasok na Lunes hanggang Sabado, gagawin ko nang Lunes hangang Biyernes na lamang. Alam ko naman na ang bawat tao ay kailangang mabigyan ng pagkakataon upang maka-pagpahinga at magkaron din ng pagkakataon na mabigyan nila ng oras ang kanilang pamilya sa loob ng isang linggo. Alam naman natin na hindi uunlad ang isang kumpanya kung walang mga trabahador na siyang tutulong sayo upang mapalago at mapaunlad ang isang kumpanya. Ika nga nila “kapit bisig lamang”.    

Blog Entry 6: Featured Workplace no.2


Image result for cdic lipa


            Ang ikalawa kong pinuntahan ay ang CDIC (Children’s Development and Intervention Center). Ito ay matatagpuan sa J.P Rizal St., Lipa City. Ang CDIC ay nakatuon sa pagpapabuti ng kalusugan at kagalingan ng mga batang may kapansanan sa pagpapaunlad at pag-uugali. Nakilala ko si Ms. Maria Racy Alcantara isang guro sa CDIC. Siya ang nagturo at gumabay sa amin ng mga dapat gawin sa loob ng CDIC.


            Marami akong nakilala bata sa CDIC, na siyang nasaksihan ko at kung ano ang kanilang mga pangangailangan na kailangang bigyan ng atensyon. Ang CDIC ay isang paaralan na kung saan ang mga bata ay binibigyan ng ilang oras sa loob ng silid-aralan upang matutukan at hubugin ang kanilang mga kakayahan. Ang mga bata ay may oras para mag-aral, maglaro at makisalamuha sa kanilang mga kamag-aaral at ang huli ay mayroon din silang oras para kumain at magpahinga. Ang CDIC ay mayroong dalawang iskedyul kada-araw meron itong pang-umaga at pang-hapon, ito ay naka depende sa mga magulang kung pang-umaga o pang-tanghali nila papapasukin ang kanilang mga anak. Ang oras ng klase ay simula 9:30 hanggang 11:30 at ito ay pang umaga at ang oras naman kapag tanghali ay 1:30 hanggang 3:30.

Blog Entry 5: What is the Most Difficult at Work


     Para sa akin ang pinakamahirap sa trabaho ay ang bigyang atensyon ang mga bagay-bagay gaya na lamang sa Candlelight Cafe, kapag may naaatas na isang gawain na binibigay sa akin hindi ko agad ito matapos ng maaga o di kaya ay sa saktong oras. Dahil malimit akong nawawalan ng atensyon at naibabaling ko ang aking sarili sa iba pang mga bagay. Kapag may gagawin ako saglit ko lamang ito ginagawa at kapag may mga ginagawa na ang aking mga kasama mas inuuna kong tulungan at tapusin ang aking mga kasama kesa sa aking trabahong dapat na tapusin.

            Sa CDIC ang pinakamahirap para sa akin ay una ang mga responsibilidad na dapat gawin sa loob ng isang linggo kong pagsasanay. Sa CDIC na subok ang aking kakayahan kung paano ituring ang mga bata sa CDIC na walang problema at respetuhin na kapantay ko lang sila at ang responsibilidad na alagaan.
            Alam naman natin na ang mga batang may mga kapansanan o may pagkukulang ay hindi dapat kaawaan bagkus atin silang gabayan at iparamdam sa kanila na huwag panghinaan ng loob dahil hindi sila nag-iisa, dahil sa ating mundong ginagalawan lahat tayo ay pantay-pantay sa mata ng panginoon.


Blog Entry 4: The Value of Hard work

                Bilang isang estudyante kailangan mong magkaroon ng sipag at tiyaga, base sa aking mga naging karanasan sa pagtatrabaho kailangan mong magkaroon ng sipag at tiyaga na gawin at tapusin ang mga naiatas na responsibilidad sayo kung wala ka nito hindi magkakaroon ng halaga ang pagtatrabaho mo. Dahil wala kang tiyaga at pagmamahal sa iyong ginagawa pagdating sa trabaho. Ang kahalagahan ng isang matiyagang mamamayan sa isang trabaho ay maganda ang magiging pamumuhay at sabi nga nila kapag may tiyaga ay may nilaga. Ibig sabihin nito ay kapag masipag ka ang katumbas nito ay tagumpay at ang iyong buhay ay uunlad at magiging masagana. Bago mo makamit ang tagumpay kelangan mong maging masigasig at maglaan ng oras para sa iyong ginagawa. Para sa akin bilang estudyante kelangan kong magkaroon ng sipag at tiyaga at lakas ng loob para pumasok at mag-aral ng mabuti araw-araw upang ito ang maging bunga ng aking tagumpay. 

Blog Entry 3: Featured Workplace no.1


                

Image result for candlelight cafe lipa batangas

              Ang una kong pinuntahan na kompanya ay “Candlelight Cafe”.  Ang Candlelight Cafe ay matatagpuan sa Barangay Inusloban, Lipa City.Nakilala ko si Mrs.Marichu Carstensen na may-ari ng Candlelight Cafe. Isa sa mga trabahador ng Candlelight Cafe ay si Ate Myrna isang kusinera ng Candlelight Cafe.
            Sa Candlelight Cafe ay mayroong isang “ART GYM ”, na kung saan may ibat- ibang pwedeng gawin para mahasa ang iyong talento at kaalaman. Isa na dito ang mga programa na Mosaic, Pluster Making, Oil Pastel Making, Candle Making at marami pang iba. Tuturuan ka din nila at gagabayan sa iyong propesyon sa larangan ng sining.
                                                                                                                                                        May “ Summer Program ” na inaalok ang Art Gym na kung saan nakahiwalay ang mga bata na may bayad at ang mga batang kapos - palad na maging isang dalubhasa sa larangan ng sining.







Blog Entry 2: Most Important Attitude in the Workplace



              “Ang bawat segundo ay mahalaga” yan ang isa sa mga tumatak sa isipan ko na sinabi ni Mrs.Marichu. Kailangan wala kang sinasayang na segundo dahil kapag tumigil ka marami kang masasayang na gawain na pwedeng gawin na hindi mo magagawa. 

                Pagkukusa yan ang isa sa mga sinasbi sa amin ni Mrs. Marichu ito ang kailangan sa isang trabaho. Kailangan mong mag kusa at hindi na dapat utusan pa. Sinabi rin niya sa amin na ituring na namin na isang tahanan ang Candlelight Cafe. Kapag may isang bagay ka nang dapat gawin huwag kanang mag intay na utusan dapat my pagkukusa kanang  gawin ang bagay na ito. Dapat magkaroon ka ng tiwala sa iyong sarili, dahil ito ang iyong magiging gabay para magawa mo ng maayos at maganda ang isang proyekto.

Introduction





Image result for work immersion


Ako nga pala si Nicko Mantuano, 17 taong gulang. Nakatira sa Dagatan, Lipa City. Isang mag- aaral ng The Nazareth School.

Ano nga ba ang Work Immersion?
 Ang work immersion ay bahagi ng Senior High School (Grade11 at Grade 12)
Curriculum na na ngangailangan ng 80 oras na pagsasagawan aktuwal na trabaho o “ hands on ” upang maranasan ito ng bawat mag aaral.
                       
Maari din itong paggaya lamang sa aktuwal na trabaho. Hindi maaaring lumapas ng 8 oras bawat araw ang pagsasagawa ng Work Immersion.
                       
Ang Work Immersion ay hindi isang aktwal na kasunduan para makapagtrabaho. Ito ay isang proseso para maipakita sa mga estudyante ang proseso ng pagtatrabaho at mapagbutihan pa at linangin pa ang kaalaman na ibinibigay ng mga bawat eskwelahan.
           

Blog Entry 1: (First Day at Work)


Image result for candlelight cafe


Ang aking unang karanasan sa Candlelight Cafe ay hindi naging biro dahil wala pa akong masyadong alam sa Candlelight Cafe. Habang kami ay nag-iintay ng aming mga gagawin sa loob ng maghapon nilibot muna namin ang buong Candlelight Cafe para ma-obserbahan kung ano ang mga pwedeng dapat gawin. Habang nililibot namin ang Candlelight Cafe, nakilala namin si Ate Myrna isa sa mga kusinera ng Candlelight Cafe. Binigyan niya kami ng aming unang gawain at ito ay ang “PLUSTER MOLDING”, habang gumagawa ako ng pluster molding hindi naging madali sa akin ang pag gagawa nito.Dahil kailangan mo dito ng mahabang pasensya sa pag-iintay. Nakilala ko din si Mrs. Marichu Carstensen. Ibinahagi niya sa amin ang kanyang mga kaalaman at karanasan bago niya ipatayo ang Candlelight Cafe. Inilibot kami ni Mrs. Marichu sa loob ng ART GYM na kung saan ibinahagi niya sa amin ang mga historya sa likod ng bawat larawan at sining na kanyang mga nagawa.