Sunday, October 21, 2018

Blog Entry 10: My Hope and My Future

Image result for hope and future

           Bilang isang kabataan na maraming pangarap sa buhay. Ang pangarap ang nagsilbing gabay ng aking mga pagsisikap. Ito nalang ang inspirasyon ko na magpatuloy kahit sa mga kabiguan. Ang pangarap ko sa buhay ay ang makatapos ng aking pag-aaral at makapag kolehiyo. Para sa akin kahit hindi ako masyadong magaling sa klase ngunit hindi ito hadlang para maabot ko ang aking mga pangarap sa buhay. Gagawin ko ang lahat para sa ikakatupad ng aking mga pangarap, salat man kami sa pera, pero magsusumikap ako para makamit ko ang mga bagay na gusto kong maabot at makamtan. Higit sa lahat kailangan kong maging matapang sa bawat pagsubok na aking tatahakin at makasagupa sa buhay. Pangarap ko kasing makapag-abroad at doon makipag sapalaran sa buhay. Gusto kong maiahon sa hirap ang aking pamilya lalo na ang aking mga magulang. Kahit sa ganitong paraan man lang ay maka bawi naman ako sa kanila. Sabi nila sa akin, hindi ko man lang daw isinaalang-alang ang aking kinabukasan para sa hinaharap. Kahit na ganon paman ang nangyari at pagtingin nila sa akin hindi parin ako nawalan ng pag-asa sa buhay, sabi ko sa sarili ko kailangan kong maging matapang at taos puso kong tanggapin lahat ng mga pagsubok na napagdaanan ko sa buhay. 








Blog Entry 9: Important Lesson Learn


       

            Una, masasabi ko sa inyo na marami akong natutuhan sa Candlelight Cafe, dito nasubok ang aking sipag at tiyaga. Sa paggagawa ng “pluster molding”, dito nasubok ang aking pasensya dahil hindi biro ang maghintay ng matagal para lamang tumigas ang isang pluster molding. Natutunan ko din kay Mrs. Marichu Carstensian at siyang tumatak sa isipan ko an mga katagang “Ang bawat seundo ay mahalaga”, ang katagang sinambit niya sa amin ay naging aral para sa akin.           
           
            Pangalawa, natutunan ko ang CDIC kung paano magpahalaga ng bata. Natutunan ko din sa CDIC na ang bawat bata na may mga kapansanan ay hindi dapat kaawaan bagkus gawin natin silang inspirasyon sa buhay.
 


Blog Entry 8: Featured Employee


       

            Bilang isang empleyado na namalagi ng ilang araw sa Candlelight Cafe at CDIC, nasaksihan ko kung paano nila minamahal at pinapahalagahan ang kanilang mga propesyon sa buhay. Nais kong gawin isang halimbawa sa inyo si Ate Myrna, isa siyang kusinera at kahera ng Candlelight Cafe.

                      
            Nasaksihan ko kung paano niya kamahal ang kanyang trabaho. Ibinahagi rin niya ang kanyang mga kaalaman sa amin na siyang natutunan niya bago pa lamang siya mag-umpisa sa Candlelight Cafe. Hindi siya nahihiyang ibahagi sa amin ang kanyang mga kaalaman na siya namang naging gabay namin sa aming pagsasanay sa trabaho. Ang lahat ng kaalaman na ibinahagi ni ate Myrna sa amin ay siya namang gagamitin ko at maging gabay para ibahagi ko din sa iba kung ano ang mga natutunan ko sa ilang araw kong pamamalagi sa Candlelight Cafe.

Blog Entry 7: If I were a Boss


Image result for boss


Kung ako ay papalarin na maging taga- pamahala ng isang kumpanya, tataasan ko ang sahod ng bawat trabahador ko. Dadagdagan ko rin ang kanilang mga “benefits” na makukuha. Ang dating nilang pasok na Lunes hanggang Sabado, gagawin ko nang Lunes hangang Biyernes na lamang. Alam ko naman na ang bawat tao ay kailangang mabigyan ng pagkakataon upang maka-pagpahinga at magkaron din ng pagkakataon na mabigyan nila ng oras ang kanilang pamilya sa loob ng isang linggo. Alam naman natin na hindi uunlad ang isang kumpanya kung walang mga trabahador na siyang tutulong sayo upang mapalago at mapaunlad ang isang kumpanya. Ika nga nila “kapit bisig lamang”.    

Blog Entry 6: Featured Workplace no.2


Image result for cdic lipa


            Ang ikalawa kong pinuntahan ay ang CDIC (Children’s Development and Intervention Center). Ito ay matatagpuan sa J.P Rizal St., Lipa City. Ang CDIC ay nakatuon sa pagpapabuti ng kalusugan at kagalingan ng mga batang may kapansanan sa pagpapaunlad at pag-uugali. Nakilala ko si Ms. Maria Racy Alcantara isang guro sa CDIC. Siya ang nagturo at gumabay sa amin ng mga dapat gawin sa loob ng CDIC.


            Marami akong nakilala bata sa CDIC, na siyang nasaksihan ko at kung ano ang kanilang mga pangangailangan na kailangang bigyan ng atensyon. Ang CDIC ay isang paaralan na kung saan ang mga bata ay binibigyan ng ilang oras sa loob ng silid-aralan upang matutukan at hubugin ang kanilang mga kakayahan. Ang mga bata ay may oras para mag-aral, maglaro at makisalamuha sa kanilang mga kamag-aaral at ang huli ay mayroon din silang oras para kumain at magpahinga. Ang CDIC ay mayroong dalawang iskedyul kada-araw meron itong pang-umaga at pang-hapon, ito ay naka depende sa mga magulang kung pang-umaga o pang-tanghali nila papapasukin ang kanilang mga anak. Ang oras ng klase ay simula 9:30 hanggang 11:30 at ito ay pang umaga at ang oras naman kapag tanghali ay 1:30 hanggang 3:30.

Blog Entry 5: What is the Most Difficult at Work


     Para sa akin ang pinakamahirap sa trabaho ay ang bigyang atensyon ang mga bagay-bagay gaya na lamang sa Candlelight Cafe, kapag may naaatas na isang gawain na binibigay sa akin hindi ko agad ito matapos ng maaga o di kaya ay sa saktong oras. Dahil malimit akong nawawalan ng atensyon at naibabaling ko ang aking sarili sa iba pang mga bagay. Kapag may gagawin ako saglit ko lamang ito ginagawa at kapag may mga ginagawa na ang aking mga kasama mas inuuna kong tulungan at tapusin ang aking mga kasama kesa sa aking trabahong dapat na tapusin.

            Sa CDIC ang pinakamahirap para sa akin ay una ang mga responsibilidad na dapat gawin sa loob ng isang linggo kong pagsasanay. Sa CDIC na subok ang aking kakayahan kung paano ituring ang mga bata sa CDIC na walang problema at respetuhin na kapantay ko lang sila at ang responsibilidad na alagaan.
            Alam naman natin na ang mga batang may mga kapansanan o may pagkukulang ay hindi dapat kaawaan bagkus atin silang gabayan at iparamdam sa kanila na huwag panghinaan ng loob dahil hindi sila nag-iisa, dahil sa ating mundong ginagalawan lahat tayo ay pantay-pantay sa mata ng panginoon.


Blog Entry 4: The Value of Hard work

                Bilang isang estudyante kailangan mong magkaroon ng sipag at tiyaga, base sa aking mga naging karanasan sa pagtatrabaho kailangan mong magkaroon ng sipag at tiyaga na gawin at tapusin ang mga naiatas na responsibilidad sayo kung wala ka nito hindi magkakaroon ng halaga ang pagtatrabaho mo. Dahil wala kang tiyaga at pagmamahal sa iyong ginagawa pagdating sa trabaho. Ang kahalagahan ng isang matiyagang mamamayan sa isang trabaho ay maganda ang magiging pamumuhay at sabi nga nila kapag may tiyaga ay may nilaga. Ibig sabihin nito ay kapag masipag ka ang katumbas nito ay tagumpay at ang iyong buhay ay uunlad at magiging masagana. Bago mo makamit ang tagumpay kelangan mong maging masigasig at maglaan ng oras para sa iyong ginagawa. Para sa akin bilang estudyante kelangan kong magkaroon ng sipag at tiyaga at lakas ng loob para pumasok at mag-aral ng mabuti araw-araw upang ito ang maging bunga ng aking tagumpay.